Mga Kailangan Ninyong Malaman Tungkol sa Mga Panukalang Rate ng Tubig at Sewer para sa Taong Piskal na Magtatapos sa 2024-26
Inaprubahan ng SFPUC Commission ang rate package sa pampublikong pulong noong Mayo 23, 2023.
Espanyol | 中文 | Pilipino | Tiếng Việt | عربي | Pусский | Samoano
Gumagawa ang SFPUC ng malinis na enerhiya, naghahatid ng de-kalidad na tubig sa 2.7 milyong customer sa Bay Area, at pinoprotektahan ang kalikasan at pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng paglilinis ng maruming tubig at tubig-ulan. Halos eksklusibong pinopondohan ang aming gawain ng mga rate na ibinabayad ng mga customer, hindi ng mga buwis. Isa kaming not-for-profit na pampublikong utility. Inatasan kami ng batas na singilin lang sa aming mga customer ang totoong gastos sa pagpapatakbo, pagpapanatili, at pag-a-upgrade ng aming mga sistema ng tubig at sewer. Para ipagpatuloy ang paghahatid ng mga serbisyo na inaasahan ng mga taga-San Francisco, ipinapanukala ng SFPUC ang pagtataas ng rate ng tubig at sewer, simula sa Hulyo 1, 2023.
Mga Pinupuntahan ng mga Dolyar Ninyo
Mahalaga sa pampublikong kalusugan ang mga sistema ng tubig at sewer. Maraming bahagi ng sistema ng tubig ng SFPUC ang humigit-kumulang 100 taong gulang na, at ang mga pinakalumang bahagi ng sistema ng sewer ay mula pa noong Gold Rush. Nangangailangan ang mga sistemang ito ng tuloy-tuloy na pagpapanatili at mga upgrade.
Mababayaran ng mga panukalang pagtataas ng rate ang mahahalagang serbisyo, pag-upgrade ng mga nalulumang sistema para iwasan ang mga pagkasira, makatugon sa mga kinakailangan sa regulasyon, mapahusay ang seismic na kaligtasan, at makaangkop sa mga bagyo habang nagbabago ang klima.
Matuto pa tungkol sa proseso ng pagtatakda ng rate, pag-unawa sa bill ninyo, mga programa ng tulong, mga paraan para makatipid ng tubig at pera, at marami pang iba sa ibaba.
-
Pampublikong Proseso sa Pagtatakda ng Mga Rate at Mga Pampublikong Pagpupulong
Nakatuon ang SFPUC sa isang transparent na pampublikong proseso sa pagtatakda ng rate batay sa mga prinsipyong itinakda ng aming Patakaran sa Kasiguruhan para sa Nagbabayad ng Rate at batay sa iniatas ng batas ng estado.
Kailangan ng SFPUC na magsagawa ng hiwalay na pag-aaral ng mga rate kahit tuwing ikalimang taon para matiyak na sinasalamin ng mga rate na sinisingil sa mga customer ang totong gastos sa pagkakaloob ng aming mga serbisyo. Isinagawa ang huling pag-aaral ng mga rate para sa tubig at sewer noong 2018, at kailangan na ng bagong pag-aaral.
Inirekomenda ng mga hiwalay na tagasuri ng rate ang pagtataas ng rate ng tubig at sewer para sa susunod na tatlong taong piskal para matugunan ang mga kinakailangang pagpapahusay sa pagpapatakbo at pamumuhunan. Kinakatawan ng mga ipinanukalang rate ang average na buwanang pagtaas ng bill na $12.69 kada taon para sa average na residensyal na tirahan ng isang pamilya sa San Francisco. Iyon ay tinatayang 8.3% kada taon. Magkakabisa ang mga ipinanukalang pagtaas ng rate sa Hulyo 1, 2023 at ipapatupad sa mga taong piskal na magtatapos sa 2024-2026.
Ang mga resulta ng pag-aaral sa rate na ito ang naging batayan para sa aming panukalang rate na dadaan sa matinding proseso ng pagsusuri at pag-apruba ng publiko.
Nagpadala ng Abiso ng Panukala 218 ang SFPUC sa lahat ng aming nakarehistrong may-ari ng ari-arian para ipaalam ang isang pampublikong pagpupulong na gaganapin sa Mayo 23, 2023 kaugnay ng mga ipinanukalang pagtaas ng rate ng tubig at sewer para sa taong piskal 2024-2026.
May iba't ibang oportunidad ang mga customer na direktang makipag-ugnayan sa kanilang kinatawan, at magbigay ng feedback, habang nasa proseso ng pagtatakda ng rate.
Lupon sa Pagiging Makatuwiran ng Rate
Simula pa noong 2002, sinusuri at nagbibigay na sa atin ng payo ang Lupon sa Pagiging Makatuwiran ng Rate tungkol sa mga usapin ng rate. Ang grupo ay binubuo ng mga itinalagang miyembro, kasama ang mga lokal na residente at may-ari ng negosyo. Isinasagawa ang mga pagpupulong na ito sa buong taon nang personal at nang remote gamit ang teleconference. Para sa mga tagubilin kung paano remote na sumali sa pagpupulong at paano magbigay ng mga komento, sumangguni sa agenda ng bawat pagpupulong..
Mga Pagpupulong ng Lupon sa Pagiging Makatuwiran ng Rate sa 2023
Enero 6, 2023
Pebrero 7, 2023
Marso 17, 2023
Abril 11, 2023, 10am - 12pm
Abril 28, 2023, 1:30pm - 3:30pm
Mayo 5, 2023, 1:30pm - 3:30pmKomisyon sa Mga Public Utilities ng San Francisco
Ang San Francisco Public Utilities Commission ay binubuo ng limang miyembro, na iminungkahi ng Mayor at inaprubahan ng Lupon ng mga Supervisor. Responsibilidad nilang magbigay ng pangangasiwa ng pagpapatakbo sa mga aspekto gaya ng mga rate at singil ng serbisyo, pag-apruba ng mga kontrata, at patakaran sa organisasyon.
Nagpupulong ang ating Komisyon tuwing ikalawa at ikaapat na Martes ng bawat buwan, maliban kung binago sa iskedyul ng agenda. Para sa mga tagubilin kung paano remote na sumali sa pagpupulong at paano magbigay ng mga komento, sumangguni sa agenda ng bawat pagpupulong.
Pagpupulong ng San Francisco Public Utilities Commission
Mayo 23, 2023 nang 1:30pmAbiso ng Pampublikong Pagdinig tungkol sa Mga Panukalang Rate ng Tubig at Sewer
May karapatan din ang mga customer na magsumite ng isang nakasulat na pagtutol laban sa mga panukalang rate ng tubig at sewer. Kung nakatanggap ang SFPUC ng mga nakasulat na pagtutol mula sa karamihan ng mga apektadong may-ari ng ari-arian at customer, hindi ipapatupad ang mga ipinanukalang pagtaas ng rate.
Kailangang ipadala ang mga nakasulat na protesta sa Kalihim ng Komisyon ng SFPUC sa address sa ibaba o personal itong dalhin sa Kalihim ng Komisyon sa pampublikong pagdinig sa Mayo 23, 2023 para maibilang. Hindi puwedeng ipadala ang mga pagtutol nang elektroniko o berbal.
Kailangan ng anumang nakasulat na pagtutol na: 1) ipahayag na tumututol ang tinukoy na may-ari ng ari-arian o customer sa mga panukalang pagtaas ng rate; (2) ibigay ang lokasyon ng tinukoy na lupa (batay sa numero ng lupa mula sa assessor, address ng kalsada, o account ng customer); at (3) isama ang pangalan at lagda ng taong nagsumite ng pagtutol. Isang pagtutol lang ang puwedeng iparehistro kada ari-arian.
Hindi kuwalipikado ang mga berbal na komento sa pampublikong pagdinig bilang pormal na pagtutol maliban kung may kasamang nakasulat na pagtutol.
Magpadala ng mga Pagtutol sa:
SFPUC Commission Secretary
525 Golden Gate Avenue, 13th Floor
San Francisco, CA 94102Sa ilalim ng Batas ng Pamahalaan ng California seksyon 53759, may 120 araw na statute of limitations para kuwestiyunin ang anumang bago, pinataas, o pinatagal na bayarin o singil. Nalalapat ang statute of limitations na ito sa mga panukalang rate at singil ng serbisyo ng tubig at sewer sa abisong ito. Nalalapat din ito sa mga singil sa hinaharap para sa mga rate at singil sa tubig at sewer.
Para sa mga tanong, mag-email sa ratesinfo@sfwater.org.
-
Mga Panukalang Rate at Pagbabago sa Bill Mo
May dalawang pangunahing elemento ang mga bill ng tubig at sewer ng SFPUC: mga fixed na singil na sumasaklaw sa mga nakabahaging gastos na nauugnay sa lahat ng customer at mga singil sa paggamit batay sa dami ng nagamit na tubig o nailabas na maruing tubig. Maunawaan kung paano basahin ang kasalukuyan mong bill. .
Kailangan naming regular na pag-aralan ang mga rate para matiyak na sinasalamin ng mga rate na sinisingil sa mga customer ang totong gastos sa pagkakaloob ng aming mga serbisyo. Pagkatapos, nagpapanukala ng mga pagbabago para maging patas ang pagtrato sa lahat ng customer, tuloy-tuloy na maibibigay ang mga serbisyo, natutugunan ang mahihigpit na regulasyong pangkapaligiran, at mapapanatili sa pangmatagalan ang pinansyal na katatagan ng ating mga asset at sistema.
Para ipagpatuloy ang paghahatid ng mga serbisyo na inaasahan ng mga taga-San Francisco, ipinapanukala ng SFPUC ang pagtataas ng rate ng tubig at sewer, simula sa Hulyo 1, 2023. Kinakatawan ng mga ipinanukalang bagong iskedyul ng rate ang average na buwanang pagtaas ng bill na $12.69 kada taon para sa average na residensyal na tirahan ng isang pamilya sa San Francisco (tinatayang 8.3% kada taon).
Kahit na may mga ipinanukalang pagtaas ng rate, ang average na bill ng tubig at sewer ng customer sa San Francisco ay magiging mas mababa pa rin kaysa sa mga kasalukuyang bill sa Los Angeles at Santa Clara, at mas mataas lang nang kaunti kaysa sa San Diego at San Jose.
Nagpapanukala rin kami ng mga pagbabago sa paraan ng pagsingil namin sa sewer na bahagi ng inyong bill para mas maitugma ang aming mga rate sa gastos ng paghahatid ng serbisyo sa aming mga customer. Hindi babaguhin ng bagong istrukturang ito ang kabuuang kitang makokolekta ng SFPUC. Isa lang itong mas makatuwirang paraan ng paglalaan ng mga kasalukuyang gastos sa pamamahala ng maruming tubig.
Sa kasalukuyan, kasama sa sewer na bahagi ng inyong bill ang gastos para kolektahin at linisin ang sewage na lumalabas sa mga gusali, gaya ng pag-flush ng toilet, pati na tubig-ulan na dumadaloy sa mga rooftop, paradahan, at kalsada. Sa panukalang bagong istrukturang ito, hahatiin ang sewer na bahagi ng inyong bill sa dalawang parte, 1) singil para sa maruming tubig at 2) singil para sa tubig-ulan.
- Ibabatay ang mga singil para sa maruming tubig sa tinatayang volume ng nailabas sa sewage.
- Ibabatay ang singil para sa tubig-ulan sa dami ng tubig-ulan na dumadaloy sa bawat ari-arian.
Ang ganitong na-update na paraan ay isang karaniwang kasanayan sa maraming utility sa buong bansa.
-
Mga Madalas Itanong
Repasuhin ang Mga Madalas Itanong page at matuto nang higit pa tungkol sa mga iminungkahing rate.
I-download ang Mga Madalas Itanong (FAQ) (Ingles | Espanyol | 中文 | Pilipino).
-
Mga Paraan para Makatipid ng Tubig at Pera
Nakatuon kaming panatilihing abot-kaya ang aming mga rate at makapagbigay ng paraan sa lahat ng aming customer na mas mapababa ang kanilang mga bill. I-explore ang aming mga programa na makakatulong sa inyong makatipid ng tubig at pera.
-
Virtual Townhall
Alamin ang tungkol sa Mga Iminungkahing Pagbabago sa iyong Mga Rate ng Tubig at Imburnal
Ang SFPUC ay bumubuo ng malinis na enerhiya, naghahatid ng de-kalidad na tubig sa higit sa 2.7 milyong mga customer sa Bay Area, at pinoprotektahan ang kapaligiran at kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng paggamot sa wastewater at stormwater para sa mga residente at negosyo ng San Francisco.
Halos 100 taong gulang na ang maraming bahagi ng aming sistema ng tubig, at ang mga pinakamatandang bahagi ng aming sistema ng imburnal ay nagsimula noong Gold Rush. Ang pagpapanatili at pag-upgrade ng aming mga sistema ng luma ay maiiwasan ang mga break, mapabuti ang kaligtasan ng seismic, matugunan ang mga kinakailangan sa regulasyon, at makakatulong sa amin na umangkop sa mga bagyo at tagtuyot habang nagbabago ang klima.
Upang patuloy na maihatid ang mahahalagang serbisyo kung saan umaasa ang mga San Franciscano, ang SFPUC ay nagmumungkahi ng pagtaas ng mga rate ng tubig at imburnal, simula Hulyo 1, 2023, para sa mga taon ng pananalapi na magtatapos sa 2024-2026. Magsasagawa rin kami ng mga pagbabago sa paraan ng pagkalkula ng iyong bayarin sa imburnal.
Maraming mga customer ang natuto nang higit pa tungkol sa iminungkahing pakete ng mga rate ng tubig at imburnal, proseso ng pagtatakda ng rate sa isa sa aming mga Pagpupulong ng Town Hall na ginanap noong Abril, 5, Abril 11, at Abril 19.
Cantonese, Pilipino, at Espanyol ang mga interpretasyon ay magagamit para sa Abril 5 at Abril 19 na townhall.
Manood ng recording ng lahat ng Townhall sa aming YouTube Channel.
-
Mga Karagdagang Mapagkukunan ng Tulong at Dokumento
- Panukala 218 Pampublikong Paunawa (Ingles | Español | 中文 | Filipino
- Paano Basahin ang Inyong Kasalukuyang Bill
- Singil sa Tubig-ulan
- Pag-aaral sa Rate ng Tubig at Wastewater ng SFPUC (05/15/23)
- Handout ng Impormasyon ng Mga 2023 Rate (Ingles | Espanyol | 中文 | Pilipino)
- Handout ng mga Rebate at Incentive (Ingles | Espanyol | 中文 | Pilipino)
- Mga Madalas Itanong /FAQ (Ingles | Espanyol | 中文 | Pilipino).
- Kami ang SFPUC (video)
- 2023 Rates Proposal (video)
- SFPUC Rates Town Hall Meeting, Abril 19, 2023
-
Sa Balita, Ang Iyong Dolyar sa Trabaho
Manatiling may alam sa mga pinakabagong update at balita sa patuloy na pagpapanatili at pag-upgrade sa SFPUC water at sewer system.
Mountain Tunnel, mahalagang bahagi ng imprastraktura ng tubig sa Bay Area, na kumukuha ng malaking pag-aayos - CBS Bay Area. Abril 11, 2023.
Tunnel vision: Nakadepende ang supply ng tubig ng San Francisco sa isang portal patungo sa nakaraan at sa hinaharap - Tagasuri ng SF. Abril 11, 2023
Ang mga virtual na townhall tungkol sa mga iminungkahing pagbabago sa iyong mga rate ay ginanap noong:
- Miyerkules, Abril 5 nang 12:00pm:
- Martes, Abril 11 nang 6:00pm:
- Miyerkules, Abril 19 nang 10:00am:
Pagtatanghal ng Pulong sa Town Hall ng SFPUC.
Cantonese, Pilipino, at Espanyol ang mga interpretasyon ay magagamit para sa Abril 5 at Abril 19 na townhall.
Manood ng recording ng lahat ng Townhall sa aming YouTube Channel.

Calculator ng Bill
Gamitin ang calculator ng bill para makabuo ng na-personalize na pagtatantya ng bill batay sa ipinanukalang rate ng mga singil.